4 Sapagkat mayroong mga taong nakapasok sa inyo na
talagang mga tampalasang isinakdal na mula pa noon sa ganitong pagkakasala.
Pinalitan nila ng kahalayan ang kaloob ng Diyos at tinatanggihan si Jesucristo
na ating Panginoon.
5 Batid man ninyo ang lahat ng ito, gusto ko pa ring ipaalaala na hinango ng Panginoon ang bayang Israel sa Ehipto ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nilipol niya ang mga di-sumampalataya.
6 Gayundin ang ginawa niya sa mga anghel na hindi nanatili sa kanilang karangalan. Pagkaiwan nila sa kanilang sariling lugar, inilaan silang walang-hanggang magapos sa kadiliman hanggang sa paghahatol sa Dakilang Araw.
7 Gayundin ginawang isang halimbawa ang Sodoma at Gomorra at ang mga bayang nasasakop nila na nagbili ng sarili sa kahalayan at pinagnasahan nila ang mga anghel. Walang-hanggan ang pagdurusa nila sa apoy.
8 Ganoon din ang mga iyan sa kanilang kahibangan: dinudungisan nila ang kanilang sariling katawan, hinahamak at nilalait ang mga taga-langit na kapangyarihan at kaluwalhatian.
9 Ngunit alam ninyo na sa pakikipagtalo ng arkanghel na
si Miguel sa diyablo dahil sa bangkay ni Moises, ay hindi siya nangahas
tumuligsa sa diyablo. Sinabi lamang niya: “Pagsabihan ka nawa ng Panginoon!”
10 Nilalapastangan naman ng mga iyan ang hindi nila nauunawaan, at kung mayroon silang likas na kaalaman, parang sa hayop na walang isip ito at ikinapapahamak lamang nila.
11 Sawimpalad sila! Sinundan nila ang landas ni Kain at napadala sila sa pandaraya ni Balaam alang-alang sa salapi. Sa wakas, mapapahamak sila kasama ng mapanghimagsik na si Kore.
12 Sila ang sumisira sa inyong mga salu-salong magkakapatid: walang hiya nilang pinakakain ang sarili. Ang sarili lamang ang pinangangalagaan nila:
mga ulap na walang tubig na tinatangay ng hangin, mga punungkahoy na walang bunga sa taglagas, dalawang beses namamatay at handang bunutin;
13 naisasaboy ang bula ng kanilang mga bisyo sa masasamang alon ng dagat. Katulad sila ng mga talang ligaw na papunta sa pusikit na kadiliman magpasawalang-hanggan.

14 Sila ang mga tinukoy ni Enoc, ang ikapito sa lahi ni
Adam; nagpropeta siya nang sabihin: “Heto: dumarating ang Panginoon na kasama
ang libu-libo niyang mga banal.
15 Hahatulan niya ang lahat; pagsasabihan niya ang mga tampalasan sa lahat ng katampalasanang nagawa nila, at sa lahat ng mga paglait na nasabi ng mga makasalanan at tampalasan laban sa kanya.”
16 Tinutukoy nito ang mga tumututol at dumaraing. Sumusunod sila sa kanilang mga pagnanasa habang nagsasalita nang palalo ang bibig nila. Mapagmapuri sila para sa kanilang sariling kapakanan.

17 Alalahanin ninyo, mga minamahal, ang sinabi ng mga
apostol ni Jesucristo, aking Panginoon. 18 Sinabi nga nila:
“Sa huling panahon lilitaw ang mga manlilibak na susunod sa kanilang mga pagnanasa – na makasalanang mga pagnanasa. 19 Sila ang gumagawa ng hidwaan sa inyo. Makalupang tao sila na hindi taglay ang espiritu.
20 Ngunit kayo naman, mga minamahal, itayo ang inyong pagkatao sa batayan ng inyong napakabanal na pananampalataya.
Dumalangin kayo sa Espiritu Santo, 21 ingatan ninyo ang sarili sa pag-ibig ng Diyos, maging handang tumanggap ng awa ng ating Panginoong Jesucristo at akayin sa buhay na walang-hanggan.

22 Kung may nag-aalinlangan,
hikayatin ninyo sila; 23 hanguin ninyo sa apoy ang iba at
iligtas sila; kahabagan naman ang iba nang maingat at kasuklaman maging ang
damit na nadungisan ng kanilang katawan.
24 Sa kanya na may kakayahang
ingatan kayo, panatilihin kayong walang pagkahulog at iharap kayong magalak
at walang kapintasan sa kanyang Kaluwalhatian,25 sa iisang Diyos na
nagliligtas sa atin kay Jesucristo na ating Panginoon
– sa kanya nawa ang kaluwalhatian, karangalan, lakas at kapangyarihan mula sa simula pa at magpasawalanghanggan.
Amen.
1 Juan 1:18-29,3:7-10
Bagong Magandang Balita Biblia
– sa kanya nawa ang kaluwalhatian, karangalan, lakas at kapangyarihan mula sa simula pa at magpasawalanghanggan.
Amen.
1 Juan 1:18-29,3:7-10
Bagong Magandang Balita Biblia
Ang Anti-Cristo
18 Mga anak, ito na ang huling panahon! Tulad ng inyong narinig, darating ang anti-Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumilitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas.19 Kahit na sila'y mga dati nating kasamahan, ang mga taong iyon ay hindi natin tunay na kasama. Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya't maliwanag na silang lahat ay hindi tunay na atin.
20 Ngunit ipinagkaloob na sa inyo ang Espiritu Santo, at dahil dito, alam na ninyo ang katotohanan. 21 Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan, kundi dahil alam na ninyo ito, at alam din ninyong walang kasinungalingang nagmumula sa katotohanan.
26 Isinusulat ko sa inyo ito upang bigyan kayo ng babala laban sa mga taong nagnanais na iligaw kayo. 27 Gayunpaman, ang Espiritu'y ipinagkaloob na ni Cristo sa inyo. At habang ang Espiritu'y nananatili sa inyo, hindi ninyo kakailanganing turuan pa kayo ng iba. Ang Espiritu ang magtuturo sa inyo tungkol sa lahat ng bagay. Lahat ng ituturo niya ay totoo, at ito'y walang bahid ng kasinungalingan. At tulad ng itinuro ng Espiritu, manatili kayo kay Cristo.
28 Kaya nga, mga anak, manatili kayo sa kanya upang maging panatag ang ating loob sa muling pagparito niya, at nang hindi tayo mapahiya sa kanya sa araw na iyon. 29 Kung alam ninyong si Cristo'y matuwid, dapat din ninyong malaman na ang bawat gumagawa ng matuwid ay anak ng Diyos.
7 Mga anak, huwag kayong padaya kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng matuwid ay isang matuwid tulad ni Cristo. 8 Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo, sapagkat sa simula pa'y gumagawa na ng kasalanan ang diyablo. Kaya't naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.
9 Ang tinanggap ng Diyos bilang anak niya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat nananatili sa kanya ang buhay na galing sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama niya, hindi siya maaaring magpatuloy sa pagkakasala. 10 Dito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng diyablo: ang sinumang hindi gumagawa ng matuwid at hindi umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.
2 Pedro 2: 1-3,10-22
1 Noong una, may mga huwad na propetang lumitaw sa Israel. Gayundin naman, may darating sa gitna ninyo na mga huwad na guro. Lihim silang magtuturo ng mga maling aral na ang dulot ay kapahamakan. Pati ang Panginoong nagligtas sa kanila ay kanilang itatakwil, kaya't di magtatagal at sila'y mapapahamak. 2 At marami silang mahihikayat na sumunod sa kanilang kahalayan; at dahil dito, pati ang daan ng katotohanan ay mapaparatangan ng masama. 3 Sa kanilang kasakiman, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang matatamis na pananalita. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa kanila ay hindi natutulog.
10 lalo na ang sumusunod sa mahalay na nasa ng katawan at humahamak sa kapangyarihan ng Diyos.Pangahas at mapagmataas ang mga huwad na gurong binabanggit ko. Wala silang pakundangan sa mga tagalangit, at sa halip ay nilalapastangan pa nila ang mga ito. 11 Samantalang ang mga anghel, kaysa mga huwad na guro, na higit na malakas at makapangyarihan ay hindi gumamit ng panlalait sa kanilang paghaharap sa Panginoon ng sakdal laban sa mga ito. 12 Ang mga taong ito'y parang mga hayop na walang isip at ipinanganak upang hulihin at patayin. Kinakalaban nila ang mga bagay na hindi nila nauunawaan, kaya't papatayin din sila tulad ng maiilap na hayop.13 Pahihirapan sila gaya ng pagpapahirap nila sa iba. Ang kaligayahan nila'y ang hayagang magpasasa sa nasa ng laman. Dumadalo pa naman sila sa inyong salu-salo, ngunit kahiya-hiya at kasiraang-puri ang kanilang ginagawa; ikinatutuwa nilang kayo'y kanilang nalilinlang. 14 Wala silang hinahanap kundi mga babaing mapag-aaliwan nila; wala silang sawa sa paggawa ng kasalanan. Itinutulak pa nila sa pagkakasala ang mahihina. Sila'y mga sakim at sila'y isinumpa! 15 Lumihis sila sa matuwid na landas at naligaw. Tinularan nila si Balaam, anak ni Beor c na nagpahalaga sa bayad sa paggawa ng masama. 16 Dahil dito, siya'y sinumbatan ng kanyang asno na nagsalitang parang tao upang siya'y sawayin sa kanyang kabaliwan.
17 Ang katulad ng mga huwad na gurong ito ay mga batis na walang tubig, at ulap na itinataboy ng malakas na hangin. Inilaan na ng Diyos ang kadiliman para sa kanila. 18 Mayayabang sila kung magsalita, ngunit wala namang kabuluhan ang sinasabi. Ginagamit nila ang nasa ng laman upang maibalik sa kahalayan ang mga nagsisimula pa lamang lumayo sa mga taong namumuhay ng may kalikuan. 19 Ipinapangako nila ang kalayaan sa nahihikayat nila, subalit sila mismo ay alipin ng kasamaan, sapagkat ang tao ay alipin ng anumang hindi niya kayang mapanagumpayan. 20 Nakaiwas na sa kasamaan ng daigdig ang mga taong kumilala kay Jesu-Cristo na Panginoon at Tagapagligtas, ngunit kung muli silang maakit sa dating masamang gawain at tuluyang mahulog dito, ang magiging kalagayan nila ay masahol pa sa dati. 21 Mabuti pang hindi na nila natutuhan ang daang matuwid, kaysa matapos matutuhan ang banal na Kautusang itinuro sa kanila ay tumalikod sila dito. 22 Angkop na angkop sa nangyari sa kanila ang mga kasabihang:
"Ugali ng aso, matapos sumuka ay muling kinakain ang nailuwa na,"
at,
Sulat ni Judas Tadeo
3 Mga minamahal, labis kong hinangad na sumulat sa inyo tungkol sa ating kaligtasan, ngunit ngayon, napipilitan akong sumulat sa inyo at humingi na ipaglaban ang ganap na pananampalatayang ipinagkatiwala nang minsanan sa mga banal.